Saturday, October 11, 2008

paano sisimulang manligaw..qng prof mo ang tatay..(pagibig..hrangan man ng singko)

“Hoy batugang bata! Maiiputan kana ng manok sa higaan!!” umagang pambungad ng nanay ni Jojo, paano naman napag abutan na siya ng paglipat ng araw sa kanluran. Kaya naman ang umagahan at tanghalian niya, iisa nalang. Namumuo pa ang muta sa mata kaya hindi agad napansing mag-aalauna na, nawala sa loob na may klase siya ngayon sa Pilosopiya, dali-dali ang pagbangon sa kama, paano naman kasi pag nagkataong malate pa siya ngayon maabot niya na ang kumikinang na singko ni Mr. Ror Ocampo dahil sa ito na ang kanyang magiging panlimang absent. Nahinto siya sandali at napatingin sa salamin, inamoy ang kili-kili at tinanong sa sarili…”maliligo pa kaya ako?” At ito ang kanyang naging basihan…

-Hindi lahat ng mabaho bumabagsak

-Lahat ng nalalate bumabagsak…/

-Hindi lahat ng mabaho nalalate

Ayos!!, tama si Baroco, dali dali ang Jojong batugan. Tutok na tutok ang araw sa kanyang batok habang nakasabit sa punong punong jeep, na byaheng langit ata ang ruta dahil sa tila tatsulok nitong gulong. Nagka patong-patong na ang bukol ni Jojo ng makarating siya sa eskwelahan, takbo hanggang sa 5th floor ng building nila, takbo hanggang sa nabunggo ang isang magandang binibining biglang gumising sa kanyang alagang batugang puso.Kissable ang lips, bagay na bagay pa ang suot nitong puting puting damit. Nagpa cute ng konti, ngingiti na sana siya ng biglang maalalang hindi nga pala siya nakapagtooth brush sa kakamadali, hanggang sa biglang nawala sa kanyang paningin ang dalaga, sayang naman hindi manlang niya nalaman ang pangalan nito, paano niya kaya ito makikita ulit?napagisip isip niya…

-Puti ang suot ng magandang dalaga

-lahat ng nursing students ay nakaputi…/

-Ang magandang dalaga ay isang nursing student.

Papasok palang ang batugang si Jojo sa klase ni Mr. Ror Ocampo ng sumalubong sa kanya ang umiikot ikot pang black board eraser. Woopak!! Nakastrike na naman ang propesor, dagdag sa koleksyon nito ng bukol tuwing nagtatangka siyang pumasok sa klase ng propesor kahit 5 minuto nalang ang ilalagi niya dito.

Mr. Ror:  Sino naman may sabing pumasok ka sa silid na to hanggang nandito pa ko sa

         loob?? banat ng nagsusungit na propesor

Jojo:   ay! Ang nanay ko po, kung hindi po ako papasok, palo-palo naman po ang sasalubong sakin.

Mr. Ror: alam mo bang ang nakaka 5 absent sa loob ng isang semester ay nakakuha ng singko?.

Jojo:   alam ko na po ngayon, sinabi niyo na.

Mr. Ror: pilosopo kang bata ka ha!

Jojo:   nako Sir tenkyu po, flattered naman ako.

Mr. Ror: At ano naman ang flattering don?aber!

Jojo:   sabi niyo po kasi dati idol niyo si pilosopo Tasyo, hindi ko naman alam na meron din po pala kayong paghanga sakin..

Mr. Ror: Sira ulo kang bata ka, malyong malayo ka kay Tasyo, nagiisip yon.. paano na yan Mr. Conrado Jojo Logsmo, ngayon pa lng ipaalam mo na sa nanay mo na kailangan mo uling magbayad ng 600 para sa back subject mo.

Jojo:   ganyan pala kayo Sir, di niyo na naisip na labandera lang ang nanay ko at lasenggero ang tatay ko.Paano na ngayon ang labindalawa ko pang kapatid na umaasa sa masipag nilang kuya.

Mr. Ror: ???

=NURSING BUILDING=

  “saan, saan ko siya makikita??” takbo dito takbo don, parang naghahanap ng ginto ang drama ng inlababong binata. Lahat na ata ng estudyante ng bawat silya ng bawat silid ng bawat palapag ng Nursing Building ay napagtanungan niya na, ngunit wala ni isang nakasagot kung saan makikita ang hinahanap niya dahil sa ang tanong ng binata sa bawat pinagtanungan ay...”kilala niyo po ba ang babaeng nakaputi?” kung ako man ang pagtanungan niya, baka mabalasa ko lang ang ribs niya sa tanong na yon. Wats da logic? Malamang kahit saan niya ibaling ang mata niya puro nakaputi ang mga estudyante doon.

Nawawalan na ng pag-asa ang binata, napaupo nalang sa isang tabi ng biglang may narinig “Ms. Ocampo, Ms. Ocampo, sandali hintayin mo ko” naisip niyang napakamalas naman niya at narinig pa niya ang pangalang iyon pero nasabi sa sariling mas malas ang taong tinatawag dahil magkamuka sila ng apelyido ng pinaka masungit na propesor ng unibersidad. Nang mapatingin sa taong tinatawag,.”oh no, oh yes, oh maybe, siya na nga!, ang babaeng nakaputi” napatayo ang binatang umabot sa batok ang ngiti, hindi pala siya malas, umaapaw ang kaswertehan niya dahil natagpuan pa niya ang isang babaeng nakaputi sa dinami dami ng nakaputi sa building na yon. Hindi na pinalagpas ang pagkakataon, matapos ang paguusap ng dalaga at ng tumawag na guro agad siyang lumapit sa dalaga ngunit sandaling napahinto...”pano nga pala ako magpapakilala??” inisip ang mga sasabihin, mga kailangan ay ss.

-pangalan       -nickname             -age            -tirahan

-course           -yr & sec.              -contact. #   -e-add

 at nagpakilala. Sa pagkakataong ito hindi na niya pinagbasihan ang natutunan sa pilosopiya, lagi nalang kasi siyang natatagaln sa pag iisip at baka maging dahilan pa ito ng pagkawala ng pagkakataong matagal niyang hinitay.

Jojo:            Ms. Maganda, pwede bang malaman pangalan mo? Ako nga pala si Jojo, Conrado Jojo Logsmo for long BS COE 1-D,17 yrs. old from peaceful place of  Tondo, Manila. Globe ako, 09050005555, jojo_puge@yahoo.com e-add ko, jojo_logsmo naman kung gusto mo sa YM, tuwing anong oras break niyo? Anong oras ka umuuwi? Pwede ba kitang ihatid mamaya?

???:    ah hehe, nursing student ako hindi Masscom, hindi naman kita iniinterview eh, by the way I’m Jennifer Ocampo. Jen nalang.

Jojo:   ako nga pala si...

Jen: yah, jojo,,kakasabi mo lang.

Jojo:   ay pasensya na, pwede naman akong makipagkaibigan di ba?

Jen:  Ofcourse!

Jojo: pumalakpak ang tenga ng binata..wahoo!!

Naging magkaibigan sila ni jen, kahit wala siyang masyadong alam tungkol sa

pagtao ng dalaga hanggang sa isang araw habang magksama sila sa parking

area ng university, may humintong isang magandang kotse...

Jen:  ayan na pala ang sundo ko

Jojo: wow!ang ganda naman ng tsikot niyo, ang kintab kintab

Biglang baba ang isang lalaki mula sa sasakyan, kumikinang ang sapatos, nang maaninag niya. Si Mr. Ror Ocampo ang lalaking iyon, nagulat siya, napatayo...

Jojo: Huwattt??

Jen:  oh bakit Jojo?

Jojo: Hindi ako makapaniwala...

Jen:  makapaniwala saan?

Jojo: na sumaside line palang family driver si Mr. Ror terror.

Mr. Ror: anong sianasabi mong driver dyan, teka nga, at bakit mo kasama ang baby ko?

Jojo: wat??super wat!! DOM kayo sir?

Mr. Ror: Aba talagang sira ulo tong bata na to!

Jen: ano ba sinasabi mo dyan Jojo, hindi DOM ang daddy ko.

Woopak!! daddy? ama? Papa? Father? itay? erpatz? tatay? No!!!, (tila humihiyaw

sa utak ni Jojo) sino nga namang hindi mapapasigaw, kung ang taong magiging

dahilan pa ata ng pagkabagsak mo sa Pilosopiya at parang nasa pressure cooker

ang kulo ng dugo sa iyo ay siya pa palang tatay kapital T-A-T-A-Y tatay ng

babaeng unang gumising sa batugan mong puso. Ngayon pa naman sana siya

magtatapat ng nararamdaman para kay Jen, pero pano pa, eh badshot nga siya

sa tatay nito..tamana timing naman kasi si Mr. Ror eh!

Mr. Ror: ikaw Jennifer, bakit mo kasama ang pagkasipag sipag at pagkatino tinong estudyante na to?

Jojo: tenkyu po sa complement Sir.

Jen: kaibigan ko po siya daddy

Mr. Ror: at kailan ka pa natutong makipagkaibigan sa mga taong pariwara, hindi marunong magpahalaga sa pag-aaral at hindi marunong gumalang sa mga nakatatanda.

Jen: mabait po siya daddy, hindi p siya katulad ng iniisip niyo.

Jojo: oo nga naman daddy, kayo lang naman nagiisip ng masama tungkol sakin.

Mr. Ror: tingnan mo nga kung sumagot sakin, parang hind nag-aaral, ikaw Jen layuan mo tong lalaking to kung ayaw mong mapariwara ang buhay mo.

Jen: pero dad...

Mr. Ror: anong pero pero, pasok sa kotse, at ikaw lalaki ka, layuan mo anak ko kung ayaw mong sumampal sayo ang singko sa kuhanan ng class cards.

=lonely, I’m Mr. lonely...dinadaan nalang sa kanta ni Jojo ang badtrip na

nararamdaman, ano ba ang dapat niyang gawin para maligawan niya si Jen ng

hindi dumadaan sa makikinang na singko ni Mr. Ror.

Agad na namang bumaling sa isip niya ang pilosopiya, sa pagkakataong ito

kailangan niya talaga ang ibayong pag-iisip, kung hindi, hindi lang siya

mabobokya sa grade, pati narin sa pag-ibig. Kaya naman inisip niyang mabuti

ang mga dapat gawin.

Paano kung suhulan ko nalang ang propesor ko?

-Kung ipa-kidnap ko nalang siya sa mga kapit-bahay naming ex-convic at si Jen dapat ang ransom?

-Kung itanan ko nalang si Jen?

Kung mag-aral nalang akong mabuti, baka sakaling mag bago ang ihip ng hangin...

         Pero pano nga pala mag-aral ng mabuti??,nakakatamad naman kasi!

-Lahat ng tamad hindi masipag

-Hindi lahat ng masipag my Lovelife../

-Hindi lahat ng tamad walang Lovelife.

=OCAMPO RESIDENCE=

         Nasa labas palang ng bahay si Jojo, abot na ang kaba at malapot pa sa condensed milk ang pawis hanggang singit. Suot ang kuldoroy pants at high cut niyang sapatos, at kumikinang na longsleeves. Tila limang inahing baka naman ang dumila sa buhok nito, wetlook! Suot pa ang water proof niyang kulay orange na relo na pamana ng kanyang lolo bago ito umakyat kay San Pedro. Bitibit ang mga bulaklak na bunga ng kanyang isang linggong paglalakad papasok at pauwi at pag fafasting sa mga alaga nito sa tiyan tuwing recess. Paano niya kukumbinsihin ang ama ni Jen kung gayong batid naman ng lahat na mainit ang dugo nito sa kanya. At isa pa magkaiba ang estado ng buhay nila ni Jen. Napaupo siya sa tabi, nalungkot ng naisip niya ito. Sabi ni AAA-2

All P are M                               let; P=Mayayaman

All S are M                                              S=Mahihirap

All S are P..                                   M=Naiinlove

-Lahat ng mayayaman naiinlove                        ?

-Lahat ng mahirap naiinlove.../                     (???)

-Lahat mahihirap, mayayaman.                         ?

         Medyo nabuhayan ng loob si Jojo, papasok palang sa pintuan...

Mr. Ror: anong masamang hangin naman ang nagdala sayo dito sa pamamahay ko?

Jojo:   habagat po ata pangalan, Good evening nga po pala, Ma’am, Sir, sayo din Jen.

Mrs. Ocampo: Magandang gabi din naman ijo, ano ba ang sadya mo at biglaan ata ang punta mo..

Jojo: Naku hindi naman po, pinagplanuhan ko na po talaga ang pagpasok dito, ibig ko pong sabihin, ang pagbisita sa inyo. Bulakalak nga pala para sayo Jen.

Jen: naku salamat, nag abala ka pa.

Mr. Ror: binata, tara lang at mag usap tayo.

Pumunta si Jojo at si Mr. Ror sa kanilang sala at nag usap ng lalaki sa lalaki...

Mr. Ror:  binabati nga pala kita at tila nagbabago ka na, medyo nakakahabol ka na sa mga exams mo, hindi ka na rin nalalate at hindi na umaabsent.

Jojo:  yun naman po ang nararapat

Mr. Ror:  pero kung may balak kang ligawan ang anak ko, ngayon palang sumuko ka na dahil hindi ako tumatanggap ng mga taong hindi nagiisp at padaskol daskol kung magdesisyon.

Jojo:  ano pong ibig niyong sabihin Sir?

Mr. Ror:  gusto kong  masubukan ang nalalaman mo tungkol sa lohika.

Jojo:  Sir payagan niyo na po akong ligawan ang anak niyo, malinis po ang intensyon ko sa kanya.

Mr. Ror:  ayoko hanggang wala ka pang napapatunayan

Jojo:         ayaw niyo pong ligawan ko si Jen?

Mr. Ror:   ayoko nga!

Jojo:       gusto niyo pong hindi ko ligawan si Jen?

Mr. Ror:   Oo!

Jojo:                 ayaw niyo pong hindi niyo gustong ligawan ko si Jen?

Mr. Ror:   Hindi!

Jojo:                 Hindi niyo po ayaw na hindi niyo gustong ligawan ko si Jen?

Mr. Ror:   Oo!

Jojo:                 Hindi niyo po like na hindi niyo po ayaw na hindi niyo gustong ligawan ko si Jen?

Mr. Ror:    Hindi!

Jojo:                 Ayaw niyo pong hindi niyo like na hindi niyo po ayaw na hindi niyo gustong ligawan ko si Jen?

Mr. Ror:   Oo!

Jojo:                  Tenkyu po Sir! Sige po puntahan ko na si Jen, salamat po ng marami daddy..

Mr. Ror:    ???. 0_o

Dahil sa naisahan ni batugang Jojo si Pilosopo Mr. Ror Ocampo, pumayag narin si Mr. Ror na ligawan nito ang kanyang anak sa kundisyong Tasyo ang magiging pangalan ng magiging anak nila ni Jen.

Lohika sa buhay ng tao, hindi talaga mawawala, kailangan lang mahilig tayong mag-isip, wag katamaran ang pag-iisip, dahil hindi mo malalabanan ang katamaran kung tatamarin kng isipin kung pano ito labanan.

.

.

.

.

.

.

.

......wala na!

-xiao_pot08

paano sisimulang manligaw..qn prof mo ang tatay